Ang kasalukuyan.

                                       

                                                              Sa bawat nilikha ng Diyos ay may simula at may hangganan. Sa mundong ito lahat ng nabubuhay ay lahat babalik sa alabok. Ultimo sa pinakamaliit na nabubuhay ay dadaan din sa katapusan. Marami ang gustong pumunta sa langit pero walang gustong mauna. Maraming gustong mabuhay ng matagal ngunit marami ang nauuna na agad. Nakakatawa talaga ang tao minsan ngunit nakakatakot at nakakalungkot isipin ang katotohanan na may hangganan ang lahat. Kung ako ang tatanungin masgusto ko na mauna na agad kung lahat ng kamatayan ay hindi ko mismo mararamdaman na tulad nalang ng hindi na gumising sa pagkakatulog. Ngunit sa panahon ngayon masyado nang laganap ang patayan at ang mga sakit. Kapanahunan pa lang ng ating mga ninuno may mga malawakang patayan at kamatayan na rin ang nagaganap. Subalit hanggang ngayon ay tila umiiral pa rin ang mga pangyayaring minsan nang naganap noon. 

Hanggang ngayon nababakas pa rin sa ating kasaysayan ang mga pangyayaring umukit sa atin ngayon. Ang kasaysayang nagbigay ng paliwanag kung bakit umiiral ngayon ang isang bagay. Sa bawat araw na dumadaan may mga taong namamatay mapa- bata at mapa- matanda. Sa mga ganitong senaryo nangangahulugan lamang ito na ang buhay ng tao ay limitado at maikli. Minsan hindi nabibigyang tyansang makita ang ganda ng mundo. Ika nga nila bonus na ang makaabot sa edad 70 pataas. Kung ipagkukumpara natin ang mga tao ngayon sa tao noon mas- higit pang edad ang inaabot ng mga tao noon  kaysa ngayon.  Kakaunti nalang ang mga taong tumatagal ng 100 taon. Kung ating kikilalanin ang mga taong ito masasabi natin na mas- malusog sila kaysa sa mga tao ngayon. Wala silang bisyo at higit sa lahat ang mga pagkain na kanilang kinakain ay mas natural kaysa sa mga kinakain natin ngayon na may mga halo ng kemikal. 

Hindi naman masama ang limitahan ang ating mga kinakain ngunit mas-mainam na alamin natin ang mga pagkain na ating kinakain. Ang pagiwas sa mga bisyo ay mas- mainam pa kung gusto mong humaba pa ang iyong buhay. Dagdag pa ang pag- aalaga sa kapaligiran ay pwede ring ikahaba ng ating buhay dahil sa panahon ngayon polusyon na rin sa ating kapaligiran ang nagbabadyang elemento ang eepekto sa kalusugan nating lahat. Halimbawa nalang ang maruming hangin at katubigan sa ating paligid. Pagkasira ng kagubatan ang isa naring dahilan ang paglawak ng nakakaepektong polusyon. Dahil sa laganap na produksyon ng mga produkto na gawa sa mga kahoy na nakukuha sa mga puno nauubos at nakakalbo ang kagubatan. Nagiging sanhi narin ito ng pagkaubos ng mga hayop dahil unti unting nawawalan ng tahanan ang mga ito. 

Kung ating iisipin mabuti tao ang may gawa ng lahat ng ito ultimo sa pagbabago bago ng panahon. Dahil sa mga kagagawan ng tao at sa patuloy na ginagawa natin na nakakasama sa ating kapaligiran na nakakaapekto sa atin. Masyado na nating inabuso ang mga bagay na meron tayo. Imbes na palaguin ay pinapatay natin unti unti. Tayo ang may tamang pagiisip ngunit hindi tama ang ating mga ginagawa. Mahilig tayong manisi ngunit hindi natin nakikita ang kontribusyon natin sa mga nangyayari sa kapaligiran. Bulagbulagan tayong mga tao na mas higit pang matatalino sa mga hayop ngunit minsan tayo ang mas hayop. Mas-masahol kung minsan pero na nakakayanan natin. Isipin natin paminsan minsan kung bakit umiiral ang mga hindi magandang nangyayari sa atin. Kahit sa mga simpleng bagay ay pwedeng makatulong sa malaking problema. Pagiging disiplinado rin ang mas mainam rin na solusyon sa ating problema. Kaya tayong mga tao hindi pa huli ang lahat tayo na at pagisipan ang mga ginagawa natin kung nakakabuti ba ito o hindi sa ating paligid.

Sa bunga ng pagmamahal

                                                                      

                                                  Ang kababaihan  ay ang  nakatakda para dalhin ang biyaya na ipinagkakaloob sa bawat mag-asawa. Pagbubuntis sa mga munting anghel ang pinakamahirap na bagay para sa kababaihan. Sa mga pangyayaring ito tila nasa binit sila ng kamatayan sa oras ng panganganak. Walang kasiguraduhan sa kababaihan na dumaranas ng panganganak kung mabubuhay pa sila sa sandaling iluwal nila sa mundo ang tanging kayaman na bunga ng pagmamahalan. Ika nga nila nakabaon sa lupa ang isa nilang paa sa tuwing nagluluwal sila ng kanilang anak. Higit pa sa paglalaslas ang sakit na nadarama ng mga nanay sa tuwing nanganganak sila. Ngunit sa paglabas ng isang sanggol ay higit pa sa kayamanang ginto at dyamante ang halaga nito sa oras na nasilayan at makapiling na nila. Umaapaw na galak at pagkatuwa ang labis na nadarama ng nanay at tatay mo sa unang pagkakataon na nakita ka nila. Ang iyong pagdating ang tanging hudyat na pagsisimula ng pagkakaroon at pagkakabuo ng isang bagong pamilya. Ang pamilyang pundasyon ng pamayanan. 

Sa pagmamahalan tayo ay nabuo at nagkaroon ng pribilehiyong masilayan ang kagandahan ng mundo. Maging isang ina ay hindi madali maging sa umpisa pa lamang. Mula sa pagbubuntis ang hirap na nadarama na agad ng isang babaeng ina. Ngunit sa paglipas ng mga ito pagsilay naman sa isang anghel na magdudulot ng kasiyahan na madarama ng isang nanay at tatay. Panibagong miyembro ng pamilya ang dumating ika nga sa mga sanggol. Isang biyaya na higit pa sa kayamanang ginto ang nagkaroon sa isang pamilya ang magkaroon ng anak. Higit pa sa lahat ng ari- arian ang katumbas ng isang anak. Sa totoo lang wala ng katumbas sa bigay na biyayang anak sa mga magasawa. Dahil ang mga anak ang bunga ng pagmamahalan ng minsan ng ipinangako sa harap ng altar na nagsumpaang babae at lalaki.  Pagmamahalang walang katumbas na hindi matutumbasan ng kahit na ano pa man. 

Sa pagkakaroon ng anak, importante- importanteng pangalagahan ito. Pag-aaruga at pagsasakripisyo ang ginagawa ng mga ina at tatay sa kanilang mga anak. Ika nga nila mawala na ang lahat- lahat huwag lang mawalay sa mga anak. Bakit ba ganon ka-importante- importanteng bagay ang isang anak sa isang ina? Una, ito ang bunga ng dalawang taong nagmamahalan, Pangalawa ang anak ang biyaya na ipinagkaloob ng may-kapal sa mga mag-asawa. Kaya nga walang makakahigit pa sa isang kayamanang higit pa sa ginto at sa mga dyamante ang anak. Dahil walang mabuting mag-asawa ang nagnanais na hindi magkaroon ng anak. Sobrang pinakakaingatan ang mga anak kaya walang labis at umaapaw sa pagmamahal nalang kung ihandog ang mga ito sa kanilang mga anak. Simula sanggol palang lubos na pag-aalaga at pagpoprotekta na agad ang ginagawa ng mga ina at tatay sa kanilang mga anak. 

Kaya naman tayo bilang mga anak, bilang pagtanaw sa mga pagaaruga at pagpapalaki sa atin ng ating magulang dapat mahalin at alagaan natin sila sa pasasalamat ng mga ginawa nila sa atin. Mga paghihirap at pagsubok na kanilang hinarap maitaguyod lamang ang pamilya at maprotektahan lamang tayo ay dapat din pinaparanas natin sa kanila kung gaano sila ka espesyal sa atin hindi dahil sa pagtanaw ng utang na loob kundi sa pagiging magulang nila sa atin. Kahit hindi natin sila kadugo o kadugo iparamdam natin sa kanila na sila ang espesyal sa atin. Dahil sa huli ang tanging sila pa rin ang ating tinatakbuhan sa oras ng pangangaylangan. Darating ang panahon ang mga hirap na dinanas nila maprotektahan at mapasaayos lamang ang ating pamumuhay ay mararanasan natin bilang pagkakaroon ng anak. Tandaan natin lahat habang buhay pa sila iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal na nararapat na ipinararamdam sa kanila bilang pasasalamat natin sa pagaaruga na ginawa nila sa mairaos lang tayo sa pang-araw araw. 

Aking anak



Kagalakan sa pagdating ng espesyal,
tila isang ganap na regalo ni Bathala.
Tanda ng pag-iisa ng aming sarili,
bunga ng walang maliw na pagmamahalan.
Sa aming paghihintay at sakripisyo,
galak at kasiyahan ang dulot.


Ikaw nawa ang dahilan sa mga ngiti,
pangalang balak ang laging sambit.
Pagpapasalamat sa maykapal,
pagkasabik ang nadarama sa biyaya.
Walang hanggang pasasalamat,
munting anghel na kay ganda.


Isang kayamanang higit sa ginto,
regalong hindi matatawaran.
Sa iyong unang pagiyak,
isang katibayang  pagmamahalan.
Wala ng nais pa na hihigit,
kundi paglaking wasto at maayos.


Ika'y aalagaan at aalalayan,
maging sa pagtulog poprotektahan.
Mga matay di aalisin,
masilayan ka lamang sa bawat oras.
Pangangaylangan ay ibibigay,
di magaatubiling ialay ano man.


Atensyon ay ibubuhos,
sa walang kapalit na pagaaruga.
Kahit sa pagtulog ay gising,
makita ka lamang tulog na mahimbing.
Hanggang sa pagtulog ika'y gunita,
pati sa araw ikaw ang hanap.


Mga hirap di uubra,
kahit sa puyatan di aatrasan.
Sa pagpalit ng iyong lampin,
maging sa pagduduyan pipilitin.
Pagiingat sa paghahawak,
iingatan ka at hahagkan.


Lahat gagawin para sa iyo,
iaalay buong oras at atensyon.
Pagsusumikapang ipagtaguyod,
mabuhay ka lamang sapat na.
Makita kang nakangiti,
pagod tilay nawawala.


Mga panahon na nagdaan,
mga araw at gabiy binibilang.
Sa paglalapit ng kaarawan,
panibagong yugto ang magsisimula.
Galak at pagpupunyagi,
mga hirap ay nalagpasan.


Walang hihigit pa sa biyaya,
ang regalong dasal namin.
Maging mga problemang di inatrasan,
mga pagsubok na binagtas.
Kami'y di sumuko sayo,
dahil sa lubos na pagmamahal.

Ibinigay na ang lahat,
pagaaruga at pagmamahal.
Walang labis, walang kulang,
ginawa na lahat lahat.
maging malusog at mabuti,
oh aking anak.
~Macbeth














Pagkakataong umibig.

                                         

                                                        Nabiktima ka na ba ng "Walang iwanan" na madalas sambit ng mahal mo noon? Napakasakit sa isang taong nagmahal ng lubos ang maranasan ang pangyayari na kung saan dumating ang panahon na iniwan ka sa ere ng mahal mo. Lalong lalo na ang halos ibinigay mo na lahat. Sabi nga nila sa pag- ibig hindi maiiwasan ang masaktan ka ng lubos. Madalas may mga tampuhan ang nauuwi sa hiwalayan kung minsan hindi na talaga nagkakabalikan pa. Sa mga di kanais nais na pangyayaring iyon may mga taong natatakot nang umibig pang muli. Natatakot na maulit ang mga pangyayaring hindi nila inaasahang mangyari. Karamihan ibinabaon na sa limot ang lahat at pinipili na lang isara ng lubusan ang kanilang puso at hindi na kaylanman iibig pa sa iba. Kung kayo ang tatanungin tama bang pumirmi nalang at hindi na muling umibig pa ng iba?

Karamihan ang kababaihan ang nakakaranas ng mga ganitong pangyayari. Madalas matagal na panahon pa bago lubusang tanggapin ang mga nangyari. Ang masaklap pa sinasaktan pa nila ang kanilang sarili gaya nalang ng paglalaslas. Ang iba ay nagrerebelde pa at nagiiba ang paguugali. Sa madaling salita nagbabago ang katauhan ng karamihan ng kababaihan ang lubos na nasaktan sa mga pangyayaring hindi nila inaasahan. 
Tanging dahil sa sakit na nadarama na dulot ng masakit na kahapon na halos ikaguho ng mundo ng isang babaeng lubos na nasaktan. Alam naman natin na hindi natin maitatanggi na mas emosyonal pa ang kababaihan kaysa sa kalalakihan. Pinapanatili kasi ng mga lalaki ang sinasabing "Ang lalaki ay hindi umiiyak" kaya nadadala nila ang kanilang emosyon na hindi umiiyak. Nagpapakatatag nalang kung minsan kahit gaano na kasakit at kahirap ang nadarama ng mga lalaki.

Dahil sa sakit na nadama kung bakit sumusuko ang ilang kababaihan na muling umibig. Ngunit hindi ito ang dahilan para tumigil ang isang tao na magmahal muli. Hindi sapat ang dahilan na iniwan ka ng taong mahal mo hindi tama ang husgahan ang pangkalahatan dahil lang sa isang taong naging dahilan sa pagdurog at pagdurugo ng puso mo. Hindi dahil sa nakaraan kaya ka titigil sa pag-ibig. Minsan nagiging marupok ang isang tao dahil lang sa nakaraan. Matutong magbigay ng pagkakataon ang sarili na maranasan kung ano ang pag-ibig talaga. Minsan tanging sarili rin kasi ang dahilan kung bakit ka nasasaktan. Alam mo na nga na niloloko ka mas pinipili mo nalang na magbulagbulagan para lang tumagal ang relasyon. Minsan sobrang bait natin na kahit ilang beses ka nang niloko nagpapakatanga ka parin. Minsan nagpapaniwala ka naman sa mabulaklak na bibig ng tao kaya ka naloloko. 

Marami ang pwede maging dahilan sa mga pangyayaring hindi natin kinakaya na nagiging sanhi na tila pag-guho natin sa pag-ibig. Ngunit ang pagbibigay sa ating sarili ng pagkakataong umibig pa muli ay hindi dapat pinipigilan. Maraming lalaki at babae sa mundong ito malaya tayong mamili kung sino ang karapatdapat nating mahalin. Kung nadapa ka tumayo ka, kung namatay ka mabuhay ka, kung gumuho ka mabuo ka muli. Iisa lang ang ating buhay na ipinagkaloob sa atin pipiliin mo pa ba na mabuhay ng mag-isa kaysa mabuhay ng may kasama, katulong at kasangga habang buhay. Maraming babae at lalaki sa mundo ngunit iisa lang ang ating pipiliing makasama sulitin natin ang prebilihiyong makapili ng taong karapat-dapat. Huwag panatilihing lamunin ng nakaraan ang iyong sarili. Matutong magparaya at matuto sa mga pagkakamali sa nakaraan. 

Remembrance of the past.




It's a cold night of November,
I feel the wind that touches my skin.
The way I feel the wind, 
the way that my fear grows.
Within my chilling body,
I feel something strange.


Inside my imaginative mind,
I hear the growls of the past.
The remembrance of the chaos,
that reminds me a strong fear.
The sound of crying,
that I cannot determine.


I see something dark like a shadow,
comes out from my ego.
fear that arises,
the past who ruined my life.
I can't see no more,
I feel that I'm drown from the sea of darkness.


There she is standing beside the window,
crying for help.
But I can't, 
I freeze from the fear that invade my body.
She left,
but she left with a letter.


"Please set me free"
but I can't
below, 
There's a name. 
I feel her again, 
Then the past sets again from my mind.


I remember now,
Realization occurs to me.
It tells me a lot,
the thing that I can't give away.
It tells me that,
I still dwell on my past.



Nasaan ka inay.






Isa kang dakila sa akin mula sinapupunan ako'y kinakausap,
Mga haplos mo'y aking damang- dama.
Bawat sambit ng aking pangalan aking nagugunita
ngayon sa paglipas ng mga panahon.
Ika'y bumabalik sa mga panaginip na ako'y kinakausap,
Mga pangaral na labis dala-dala saan man.



Oh isa kang hwaran na dakila sa hirap,
at ginhawa ako'y di pinabayaan.
Maging kapalit ng mga oras at atensyon ay sa akin,
magampanan lamang ang responsibilidad.
Hirap na iyong naranas sa arugang walang kapalit, 
Mairaos at maalagaan lamang. 



Mga araw na kay sigla tila mga yakap mo'y hanap,
mga halik sa pisngi na kay tamis ganon din. 
Presensya mo ako'y nangungulila,
mga pag-aruga nasaan na.
Di pagkakaintindihan nyo ay maitama sa sandali,
pamilya'y nais sanang mabuo.



Ika'y nasaan kung kaylangan ka sa araw,
ika'y hanap sa tuwina kung labis.
Gabi-gabing dasal sa poon ika'y laman, 
Pagdating sa panahong pagkabuo natin.
Pag-asa'y tila malabong marating, 
ni maaninagan wala rin. 



Kung saan ka man naroroon ,
oh aking butihing inang mahal ng buhay.
Nawa'y masaya kang buhay sa piling nila, 
mahanap mo sana'y kapanatagan.
Larawan mo'y titig-titig sa tuwina, 
lubos presensya mo'y nababagtas sa mga alaala.



Lungkot ang nadarama sa piling di kumpleto,
ako'y nasaktang sadya.
Sa iyong paglisan pagtanong kung bakit?
Mga kasaguta'y di maaninagan.
Mga dahilang malabo'y naguguluhan,
Tila di lubos maintindihan. 



Paglisan mo'y napatawad ko na, 
masilayan lamang ang mukhang hanap- hanap.
Mga yakap mo'y aking gusto,
Nawa'y dasal ko'y matupad. 
Lubos na hihintayin pagdating ng panahon, 
sa ating pagkikita oh aking ina.
~Macbeth

Idolo


                                                          Tayong mga tao na nabubuhay sa mundong ito ay hindi natin maitatanggi na may mga tao rin tayong hinahangaan. Iba't ibang mga kagustuhan na dahilan kung bakit natin sila hinahangaan. Minsan natatagpuan natin sa mga media, magazines, social websites, at sa iba pa. ang mga taong ating iniidolo. Ano ba ang mga bagay na nagiging dahilan natin kung bakit natin sila iniidolo? Hindi naman tayo siguro bulag para hindi natin makita ang dahilan kung bakit natin sila iniidolo. Karamihan sa mga tao iniidolo nila ang ibang tao dahil sa mga pormahan at likas nilang angking kagandahan. Sila ay sadyang maganda, gwapo, matangkad, maputi, maganda ang pangangatawan at iba pang kagandahang pisikal. Ito mga bagay na ito ang mga nagiging kaagaw -agaw ng pansin sa mga madla kung bakit sila ay sumisikat at hinahangaan kaya hindi malayong hangaan rin sila ng karamihan. Dahil sa malikhain nating pagiisip nakakapagisip rin tayo ng mga bagay na kakaiba tulad nalang ng panggagaya sa mga iniidolo nating ibang tao. Nakakatuwang isipin na naiisabuhay natin ang mga bagay na tulad rin sa kanila. Sa pamamaraan na kung papaano sila gumalaw, magsalita, manamit at kung anu-ano pa. Ngunit may mga tao rin na halos gustuhin ng baguhin ang lahat para lang magaya ang mga taong iniidolo nila.

                                                          Hindi masama ang gayahin o tangkilikin ang mga iniidolong ibang tao ngunit ang tuluyang pagbabago sa sarili para lang sa isang panggagaya lalo na sa pangangatawan na tulad nalang ng pagbabawas o pagdaragdag ng mga kung anu- ano sa ating pangangatawan ay hindi na siguro nakakabuti para sa atin. Bawat nilalang na nilikha ng maykapal ay masasabing kakaiba (Unique) sa iba pang bagay. Sinasabi rin na tanggapin ng lubos ang anong bagay na meron ka matutong makuntento. Hindi masama ang magkaroon ng iniidolong tao ngunit ang tuluyang pagbabago sa pisikal na kanyuan na magiging mitya para saktan mo ang iyong sarili ay hindi tama. Kahit sangkatutak na anesthesia ang iyong gamitin hindi mo nga naramramdaman ang mga sakit na dulot ng pagbabago tulad nalang ng pagbabawas o pagdaragdag ay sinasaktan at sinusugatan mo lang rin ang iyong katawan. Minsan nagiging bulag narin tayo at maspinipili nalang rin nating maging kamukha ng mga taong iniidolo natin kaysa panatilihin ang sariling tayo. Ang mga taong iniidolo natin ay pwede nating maging isang tulong upang pagyabungin pa ang ating pagkatao at sa pamamaraang pisikal na anyo tulad nalang sa pormahan. Hindi natin kaylangan magparetoke pa para lang magaya natin at maparating sa mga taong iniidolo natin kung gaano natin sila iniidolo. Tandaan natin na sa bawat taong hinahangaan natin tanging kabutihang prutas lamang ang ating pipitasin hindi natin kaylangan sagarin hanggang ugat pati katawan ang panggagaya. 

Sa paglipas ng panahon


                                                               Marami tayong pwedeng ihalintulad sa konsepto ng pagiging tao. Dahil sa mayamang pag-iisip ng mga tao ay may mga bagay tayong naiihalintulad sa buhay ng tao o sa kung paano nabubuhay ang isang tao. Ang tao ay ang bukod tanging nilikha na may kakayahan makapagisip ng kumplikado na malayo sa kayang gawin at maisip ng hayop. Ngunit dahil nga sa mayamang intelektwal na pag-iisip ng tao naihahalintulad ang mga bagay bagay sa buhay ng tao na tulad nalang ng hayop, halaman, at ng iba pa. Sa sanaysay na ito ay hayaan nyo ako na maipabatid ko sa inyo ang aking kaisipan sa kung papaano ko naiihalintulad ang buhay ng isang tao sa ibang bagay. 

Ang tao ay parang halaman bukod sa nabubuhay ang halaman may mga pisikal na katangian ang halaman na pwedeng maihalintulad sa mas malalim na kahulugan sa konsepto ng pagiging tao. Alam naman natin na ang isang halaman ay nagsisimula sa isang buto na itinatanim sa lupa. Pagkaraan ng ilang araw lilitaw ang isang maliit na halaman o ang punla. Gaya ng isang punla, ang punla ay tila may iisang direksyon na kanyang tatanawin sa kanyang paglaki at ito ang pataas na direksyon. Ganun din ang isang batang uhugin na wala pang kamuang muang sa mundong tinatapakan natin ngayon. Ang isang bata ay tumitingala o tumitingin paitaas sa tuwing pinapakinggan nya ang kanyang magulang. 

Kung oobserbahan natin ang isang maliit na halaman o punla mapapansin natin na tila nakaturo pa ito sa itaas na kung saan ang langit. Tila sabik sa paglaki ang isang munting halaman o punla kaya nga ito nakatingala gaya narin ng isang musmos na bata. Madalas natin marinig sa isang bata ang kanyang mga pangarap madalas ay tila sinasambit sambit nya sa kanyang mga bibig na nais na nilang lumaki agad. Sa isang munting halaman kaylangan bigayn ito ng kaukulang pag-aalaga na tulad na lang ng pagpapatubig. Sa bata naman kinakaylangan ng labis na pagaaruga na tulad na lamang ng pag-aalaga at pagtuturo ng tamang asal. Kung gusto mo na lumaking malusog ang iyong halaman ay dapat sa pagiging maliit pa lamang nito ay tamang pagpapatubig na at magandang lupa na agad ang ibigay mo sa halaman. Ang mga magulang ang nagsisilbing unang guro ng mga bata na kung saan sila ang nagtuturo ng kabutihang asal at leksyon tungo sa tamang landas na tatahakin ng isang bata. 

Sa mga panahon na iyong ginugol sa pagaalaga ng halaman darating ang panahon na magiging isang puno ito na magkakabunga pa ng marami. Mula sa pagkabata, pagbibinata/ pagdadalaga iisa lang ang patutunguhan ng lahat ang pagtanda. Kung ang isang batang halaman ay tila tumitingala na sabik maging puno ang puno naman ay tila yuyuko ang mga sanga nito na tila nagbabadyang sabik bumalik sa pagiging batang halaman. Madalas ang mga nagkakaedad na mga tao ay binabalikan ang mga panahon na sila pa ay bata pa. Sa mga natahak nila sa kanilang buhay naikukumpara nila ang kanilang buhay noong bata pa sila sa buhay na meron sila ngayon. Aminin natin o sa hindi gusto nating bumalik sa nakaraan na kung saan binibigyan pa tayo ng importansya o pagaaruga ng mga taong masnakakatanda sa atin. O di kaya minsan ay sa mga tao naman na nakikilala natin tulad ng mga kaibigan natin noon. 

Magiging iba na ang takbo ng panahon sa pagtahak natin ating buhay. Nakakalungkot man isipin na hindi na natin maibabalik ang mga panahong nagdaan. Maaring maliit o malaki ang ipinagbago ng nakaraan sa kasalukuyan ngunit ang mga alaala ng kahapon ang ating gugunitain. Mga alaala ng minsan tayo ay naging bata, nagbinata/ nagdalaga , nagkapamilya. Totoo nga na oras ang madaya sa buhay ng tao dahil ang oras ang hindi na pwedeng balikan na kung sino man kaya nga nasa huli lagi ang pagsisisi. Sa bawat maling desisyon sa buhay mo may kalakip na pagsisisi sa huli na maaring hindi mo maranasan ngayon pero darating ang panahon maiisip mo na kung maibabalik mo lang ang mga panahon ay tiyak malalaman mo kung ano ang dapat mong itinama sa nakaraan.  

Downfall

I fly high , I fall down

I run fast , I stumble

I laugh , I cry

I tried something to make myself popular

and I became famous.



As I go along I was humiliated

then I was down.

Until now I try to rise

but it’s too difficult

to erase the delinquenc .



But still there’s a scarce that reminds

me as a culprit.

Ego

Fight for nothing

fight without thinking.

Kill without reason

kill without understanding.



Revenge is nothing but destroys your image

Claim that you’re perfect but still you make yourself down.



You make yourself high

then prepare to criticize.

You make yourself arrogant


then you made yourself a fool.

Life

Life is like a river that continously  flowing

even the problems strives

there’s a way to be carried away.

Learning to survive

to be able to pass through the rigid ways

You can be learned through your journeys

continue to search

continue to love


and you will find  the perfect place to rest.

Alin ka sa dalawa?

                                               

                                        Maraming klase ang nabubuhay na tao sa mundong tinatapakan natin ngayon. Noon palang tanging mga tao lamang ang nilikha na kakaiba sa mundo. Tanging tao lamang ang may kakayahan na makapagisip, makapagdesisyon para sa sarili, makapagisip ng solusyon at mabuhay ng iba’t ibang klase na naayon sa kanyang pagiisip. May mga klase ng tao ang nabubuhay dito sa mundo. Magbibigay lamang ako ng dalawang magkakonektadong dalawang klase.

                                             May mga tao na ipinapanganak para maging “DAMO”. Ang damo sa isang lupa ay nananatiling nakadikit sa lupa at sumusunod lamang sa kung papaano umihip ang hangin. Tulad na lamang kung ang hangin ay tila umihip pakanluran tiyak ang damo ay yuyuko pakanluran. Ganyan din ang ibang klase ng tao na nabubuhay sa mundo ngayon. May mga tao na nabubuhay para maging sunudsunuran na kung saan kahit saan nalang sila tutungo sa kung ano ang sabihin ng ibang tao.

                                               Sumunod naman ang mga taong ipinanganak para maging “HANGIN” Ang hangin ay maraming kayang gawin. Ang hangin ay hindi pumipirmi sa isang lugar dahil ito ay malaya kung saan sya pupunta, nakakapagdikta at nakakamanipula ng mga bagay-bagay. Tulad na lamang kung umiihip ng hangin pakanluran ay tiyak na susunod pakanluran ang mga damo. Katulad na lamang ng tao.Ang tao na tila hangin ay ang klase na tao na gumagabay at nagdidikta sa kung saan ang tamang direksyon. Gaya nalang ng mga lider, guro, magulang at iba pa. Sila ang posibleng makapag-gabay sa tamang landas.

Ngunit may mga hangin na kung tawagin at masamang hangin na kung saan pwede ka na mapahamak. Meron din namang damo na mapagmataas. Bilang tao malaya ka pumili kung anong buhay ang tatahakin mo. Kaya ikaw naman, ano ang pipiliin mo sa dalawa, ang DAMO o ang HANGIN?

May forever ba?

                                                               
                                                 
                                                                 Ito ang nauusong tanong ng karamihan sa panahon nating ngayon at marami rin naman ang tila sumasagot sa katungan na ito. “WALA PONG FOREVER” Ito ang madalas sabihin ng mga heart brokened na mga tao. “MERONG FOREVER”, “NATAGPUAN KO NA ANG FOREVER KO”, “AKO ANG FOREVER NYA”ect Ito naman ang sagot ng mga taong hanggang ngayon ay nanatili pa rin silang magkasama ng kanyang kasintahan.

Ngunit ano ba talaga? Simulat sapul sa eskwelahan pa lamang ay tinuro na sa atin na ayon man sa bibliya: Ang lahat ng nabubuhay at lahat ng nandito sa mundo ay may simula at hangganan. So, sa testamentong ito lumalabas na walang forever! Ngunit naisip mo ba na ang tanong na ito isang tanong na may maraming kasagutan? Naisip mo ba kung anong aspeto ba sa buhay ng tao o sa isang bagay ang tinatanong mo na kung may forever?

Kung sa aspetong pisikal (Physical) Tama at pasok sa banga na walang forever dito sa mundong ito. Dahil lahat ng bagay ay may hangganan hindi lang natin alam kung kelan nga ba tayo o ang isang bagay ay mawawala. Ultimo ang mga taong banal, walang bisyo at marangal ay hindi makakaligtas sa tinatawag na kamatayan. Lahat tayo ay darating sa panahon na iyon. Walang permanenteng bagay dito sa mundong tinatapakan natin kaya nga sa totoo lang ang kalaban natin ay ang oras.

Kung paguusapan naman natin ang ang mga bagay na tulad nalang ng mga alaala masasabi mo ba na walang forever? Natanong mo na ba na lahat ba dito sa mundo ay mawawala? Sa mga nauna kong sinabi partikular ang pisikal na aspeto tiyak na may hangganan ngunit kung ang isang bagay sa buhay mo na tulad ng magulang mo kahit gaano sila kasama sayo sa oras na sila ay nawala ang mga alaala ba nila ay tiyak ba na makakalimutan mo?


Kahit sa pag- ibig man, Kung mawala ba ang taong sobra mong minahal na higit pa sa kung anong meron ka ay mawawala ba sya ng lubusan sayo? Maaring wala na ang mga tao o bagay na sadyang binibigyan mo ng importansya ay mawala sa pisikal ngunit ang mga alaala ay hindi kaylan man mawawala. Mananatili ito sa puso ng bawat isa.

Tunay na kaibigan.

                                                                Bata palang tayo may tinatawag na tayong kaibigan. Sa eskwela, kapit-bahay, ka-barangay at sa mga malalayo pang lugar malamang may mga kaibigan tayo. Kasama natin sa tuwing kalokohan, kasama natin sa mga pasyalan, kasama natin sa tuwing nagsisimba at sa kung saan pa. Marami tayong mga nakakasalamuha araw araw at sa araw araw imposibleng hindi ka nakakakilala ng iba’t ibang tao. Sa pakikisalamuha sa ibang tao ay doon tayo nakakakilala ng ating nagiging kaibigan. Minsan pa nga ilang oras palang nakakapagusap ay tila parang kilala nyo na ang isa’t isa sa pagiging malapit nyo na agad. Ngayong tumanda ka na, malamang marami ka ng nakilalang tao at marami ka na ring kaibigan. Ngunit naitanong mo na ba sa iyong sarili kung sino sa kanila ang totoo mong kaibigan? Alam mo ba sa isang daan mo na kaibigan ay 2 hanggang tatlong lang ang matatawag mong totoong kaibigan. Bihira sa panahon natin ngayon ang makakilala ng totoong kaibigan. Sa iyong sarili ano ba ang mga bagay na masasabi mo na meron ang isang totoong kaibigan? Para sayo ba ang kaibigan ay dapat ma-pera para masabi mo na sya ay totoong kaibigan dahil sa oras na ikaw ay may nais bilhin ay agad kang magsasabi sa kaibigan mo para bilhan ka ng bagay na iyon?

                                                                      Para sayo ba ang kaibigan ay dapat na laging susundin ang sasabihin mo para masabing mong maasahan? Mahirap makakilala ng tao na tumutugma sa kung anong gsto nating pag-uugali ngunit minsan tayong mga tao ay may pagkaabuso madalas. Aminin natin o sa hindi nagiging ganun tayo madalas. Ang tunay na kaibigan ay ang taong ituturo sayo ang tamang landas. Ang tamang landas na kung saan kahit mahirap man ang sitwasyon ay mas-pipiliin pang dumaan sa tamang landas kahit mahirap at maraming pagsubok na pagdadaanan. Ang tunay na kaibigan ay ang taong ituturo sayo ang tama hindi ang itutulak ka pa sa kamalian na maari ka pang mapahamak. Ang tunay na kaibigan ay ang taong handa kang tanggapin kung sino ka at hindi ka ipagkakaila sa ibang tao. At higit sa lahat ang tunay na kaibigan ay isang maganda at mabuting ihemplo para sayo. Aanhin mo ang kaibigan na kaibigan ka lang sa tuwing may kaylangan, kaibigan ka lang sa tuwing may hinihingi bagay sayo kaibigan ka lang dahil napilitan lang dahil may hinahabol sayo. Hindi ko sinasabi na mamili ka ng iyong kakaibiganin bagkus ay matuto tayong maging maingat sa mga taong lumalapit sa atin. Maaring ang maskara nila ay ubod ng ganda ngunit sa likod ng iyon ay ubod ng itim, panglalait, kasiraan at sama ng iniisip at sinasabi sayo.