Bagong yugto ng buhay.



Kagalakan at pasasalamat ang nadarama 
sa pagdating ng bagong yugto ng buhay.
Mga araw na dumating at naglipa na
pag-gunita sa mga masaya at malungkot.


Kay bilis talaga ng pagdaan ng mga araw 
animo'y nagmamadali na lang lagi.
Maraming ala- ala ang magugunita 
mayaman sa kasanayan na malaman.


Mga taong nagsilbing kaibigan
at mga taong sumama sa paglalakbay.
Pangyayaring ikapupulot ng aral 
sa pag-bagtas sa bawat araw- araw.


Pagkabata'y aking naaalala 
pagkamulat ng isipan na nagsimula.
Mula sa paglalaro sa lansangan
hanggang magseryoso sa pagaaral.


Pasasalamat sa mga pinagkaloob
isama na rin ang mga biyaya.
Pasasalamat sa mga araw na gising pa
pati sa mga gabing humihinga sa pagtulog.


Sa paglalakbay mula sa ibaba
patungo sa tugatog ng tagumpay.
Pagpanhik sa matataas at mahihirap
daanan na kay lubak at masalimuot.


Lubos na gustong bumalik sa kahapon 
ngunit kaharap na ang hinaharap.
Mga bagay na walang kapalit 
sa mga pangyayaring maiiwan.


Sa pagtanda nawa'y masumpungan 
mga panahon na napagdaanan.
Sa pagdaan ng mga araw
patuloy na gunita ang lahat.


Nawa'y sa paglipas ng mga araw 
ang lahat ay hindi sana malimutan.
Sa pagdating ng kaarawan nawa
kasabay sa agos ng panahon ng kay bilis.


Nawa'y ang lahat hindi tumigil sa pagsulat
at sa paglaot sa karagatan ng buhay.
Mga ala-ala'y wag sana'y malimutan
Pasasalamat sa bagong yugto ng buhay.
~Thunders_cry

No comments:

Post a Comment