Bata palang tayo may tinatawag na tayong kaibigan. Sa
eskwela, kapit-bahay, ka-barangay at sa mga malalayo pang lugar malamang may
mga kaibigan tayo. Kasama natin sa tuwing kalokohan, kasama natin sa mga
pasyalan, kasama natin sa tuwing nagsisimba at sa kung saan pa. Marami tayong
mga nakakasalamuha araw araw at sa araw araw imposibleng hindi ka nakakakilala
ng iba’t ibang tao. Sa pakikisalamuha sa ibang tao ay doon tayo nakakakilala ng
ating nagiging kaibigan. Minsan pa nga ilang oras palang nakakapagusap ay tila
parang kilala nyo na ang isa’t isa sa pagiging malapit nyo na agad. Ngayong
tumanda ka na, malamang marami ka ng nakilalang tao at marami ka na ring
kaibigan. Ngunit naitanong mo na ba sa iyong sarili kung sino sa kanila ang
totoo mong kaibigan? Alam mo ba sa isang daan mo na kaibigan ay 2 hanggang
tatlong lang ang matatawag mong totoong kaibigan. Bihira sa panahon natin
ngayon ang makakilala ng totoong kaibigan. Sa iyong sarili ano ba ang mga bagay
na masasabi mo na meron ang isang totoong kaibigan? Para sayo ba ang kaibigan
ay dapat ma-pera para masabi mo na sya ay totoong kaibigan dahil sa oras na
ikaw ay may nais bilhin ay agad kang magsasabi sa kaibigan mo para bilhan ka ng
bagay na iyon?
Para sayo ba ang kaibigan ay dapat na laging susundin ang sasabihin mo para masabing mong maasahan? Mahirap makakilala ng tao na tumutugma sa kung anong gsto nating pag-uugali ngunit minsan tayong mga tao ay may pagkaabuso madalas. Aminin natin o sa hindi nagiging ganun tayo madalas. Ang tunay na kaibigan ay ang taong ituturo sayo ang tamang landas. Ang tamang landas na kung saan kahit mahirap man ang sitwasyon ay mas-pipiliin pang dumaan sa tamang landas kahit mahirap at maraming pagsubok na pagdadaanan. Ang tunay na kaibigan ay ang taong ituturo sayo ang tama hindi ang itutulak ka pa sa kamalian na maari ka pang mapahamak. Ang tunay na kaibigan ay ang taong handa kang tanggapin kung sino ka at hindi ka ipagkakaila sa ibang tao. At higit sa lahat ang tunay na kaibigan ay isang maganda at mabuting ihemplo para sayo. Aanhin mo ang kaibigan na kaibigan ka lang sa tuwing may kaylangan, kaibigan ka lang sa tuwing may hinihingi bagay sayo kaibigan ka lang dahil napilitan lang dahil may hinahabol sayo. Hindi ko sinasabi na mamili ka ng iyong kakaibiganin bagkus ay matuto tayong maging maingat sa mga taong lumalapit sa atin. Maaring ang maskara nila ay ubod ng ganda ngunit sa likod ng iyon ay ubod ng itim, panglalait, kasiraan at sama ng iniisip at sinasabi sayo.

No comments:
Post a Comment