Panibagong kabanata.

                                                              
                                                   

                                                       Isa na namang taon ang magtatapos. Sa pagtatapos nito ay may panibagong taon na naman ang ating sasalubungin. Sa pagtahak sa mga araw sa ating buhay mga araw ay may mga leksyon na tayo ay may natutunan. Mga leksyon na tatatak sa ating mga kaisipan. Mga pangyayaring magsisilbing alaala na masaya at malungkot. Bago matapos ang taong 2015 naisip nyo na ba kung ano na naman ang magiging panibagong New year's resolutions nyo? Marahil may mga bagay tayo na hindi natin natupad noon pa man na hanggang ngayon ay hindi parin natutupad. May mga bagay rin tayo na pinaniniwalaan na tulad nalang ng swerte at malas. Sa darating na bagong taon tiyak sari saring mga kasabihan at paniniwala na naman ang ating maririnig patungkol sa kapalaran na darating. Sa taong 2015 malamang marami kang maikukwento tungkol sayo at tiyak meron din dyan ang swerte at malas na mga araw mo.

Sa pagdaan ng mga araw hindi mo masasabi kung ano ang mangyayari sa buhay mo na hindi mo inaakala. Minsan magugulat ka nalang na nangyari iyon sayo. Ang buhay ng isang tao ay hindi payak bagkus samu't saring mga karanasan ang natutunghayan bawat araw ng buhay. Sa paglipas ng panahon hindi mo pwedeng sabihin na wala kang natutunan. Sa maliit na bagay na hindi mo alam ay may natutunan ka na na hindi mo lang napansin. kasabay ng pagtatapos ng taong 2015 kamusta ka ngayon? Naging masaya ba ang taon sayo o naging malungkot? Sa totoo lang hindi mo pwede sabihin na naging malungkot lang o masaya lang ang taon mo bagkus may mga araw o panahon na may naging masaya at malungkot rin ang buhay mo. Yun ngalang hindi sa lahat ng oras ay nagtatagal ang isang kasiyahan o ang kalungkutan. 

Natupad ba ang New year's resolutions mo? Ikaw mismo hindi mo masasabi na 100% nagawa mo ang mga iyon. Dahil aminin mo man sa hindi may mga bagay na mahirap tanggihan at iwasan. Pero hindi sapat ang mga iyon para hindi mo tupdin ang mga ipinangako mo sa sarili mong pagbabago. Paano mo babaguhin ang sarili mo kung ikaw mismo ay wala ka namang ginagawa. Marahil may ginagawa ka ngunit ikaw mismo hindi mo ipinagpapatuloy. Ginagawa nga natin ang pagbabago kaso madalas ay bumabalik tayo sa dati. May mga sitwasyon naman na hanggang salita lang wala tila wala naman sa gawa. Sa totoo lang kung ikaw mismo alam mong nanloloko ka ang unang taong niloloko mo ay ang iyong sarili. Tanging sarili mo lang ang makakatulong sayo kung gugustuhin mo talagang magbago. 

Swerte at malas, naniniwala ka ba? Marami sa atin ang naniniwala sa swerte at malas. Kaya naman naging tradisyon na rin ang pagtatangkilik sa mga bagay bagay na nakakapagudyok daw ng swerte at nakakapagtaboy daw ng mga malas. Ngunit ikaw mismo na may katawan at kaisipan naisip mo ba kung sino ang gumagawa ng swerte at malas sa buhay mo? Naisip mo ba kung totoo ba na lumalapit ba talaga ang swerte at ang malas sa tao? Ang sagot ay tayong mga tao ay may kakayahang makapagisip at gawin ang mga bagay na ating iniisip. Kung sa simula pa lang alam mong mali ang ginagawa mo malamang pangit na bagay ang babalik sayo. At kung tama naman ang iyong desisyon at ang iyong ginawa malamang positibo ang kakahinatnan mo. Swerte at malas, tanging tao ang gumagawa na swerte at malas sa kanilang sarili. Nasa kung papaano nalang nila ito pagdedesisyunan at ikikilos. 

Sumatutal ng lahat, sa pagtatapos ng taon mahalaga sa ating buhay ang mga leksyon at kaisipan na ating nakamit sa bawat araw ng ating buhay. Matapos man ang ilang taon sa ating buhay ay hindi pa rin magbabago ang mga karanasan na ating nararanasan ganun parin naman: Masaya at malulungkot din naman. Ngunit ang mga iyon ay magsisilbing leksyon sa buhay upang malaman natin kung ano ang ating gagawin sa oras na ating maranasan ang mga bagay bagay ulit. Sa pagtatapos ng taon naway pasalamatan natin ang maykapal dahil binigyan tayo ng isang taon na puno ng karanasan na humubog sa ating pagkatao. Pasalamatan din natin ang mga taong nagsilbing ating kaagapay sa loob ng panahon ng ating pangangaylangan o kasaganahan. Lagi nating tatandaan sa bawat maling desisyon sa buhay ay laging nasa huli ang pagsisisi. Kaya hindi pa huli ang lahat para magbago.

No comments:

Post a Comment