Kabataan sa kasalukuyan.

                                             

                                       Marami sa panahon ngayon ang nakakaranas ng iba't ibang mga karanasan sa paligid pati narin sa loob ng ating mga tahanan. Kahit mapa-kaibigan, mapa-magulang at mapa-sino pa man ay marami- rami na tayong mga karanasan na kabilang sila. Ngunit may ideya ka ba sa panahon natin ngayon kung ano ang madalas nababalita sa ating kapaligiran patungkol sa kabataan? Batid mo ba ang mga nararanasan nila sa loob at sa labas ng kanilang tirahan na halos laman ng balita? Marami sa kabataan ngayon ay nakakaranas ng hindi magandang pagmamaltrato sa kanila. Kahit sa loob o mapa-labas man ng tirahan. Lubhang nakakabahala sa ating panahon kahit noon pa man na laganap ang mga ganitong balita. Buhat ng mga pangyayaring ito, malaki ang epekto nito sa mga nanakaranas ng hindi maganda ng kabataan sa pisikal maging sa pag-iisip ng isang bata. Gaya nalang ng pabalik balik na pangyayari sa kanilang isipan naka-epekto sa kanilang ugali maging sa kanilang mga kilos.

Isang halimbawa ang mga pangyayaring lubhang hindi makalimutan na karanasan sa pamilya. Tulad na lang ng hindi magandang pagtatrato sa kanila ng tama. Tulad na rin ng mga pangyayaring hindi pagkakasundo ng mga magulang na may malaking epekto sa mga anak. Sa mga nabanggit, ito ang madalas nagiging dahilan kung bakit ang kabataan ngayon ay nakakaranas ng depresyon. Marahil dahil sa hindi nila lubusang tanggap o hindi talaga katanggap tanggap sa kanilang sarili na mangyayari ang mga ganong mga bagay o pangyayari. Marami rin ang naitatala na kabataan ang nakakaranas ng mga ito sa kanilang tahanan sa pamilya. Lumalabas dito na malaki talaga ang impluwensya sa isipan ng kabataan kung ano ang nagaganap sa loob ng tahanan partikular sa pamilya. Kaya sa mga magulang mahalaga na laging isipin ang magiging epekto ng kanilang mga galaw at kilos sa kanilang mga anak. 

Sa loob naman ng eskwelahan, halimbawa ng pangbubully ng mga estudyante sa kanilang kapwa estudyante. Nakakaranas ang ibang kabataan ng mga negatibong pagiisip sa kanilang sarili dahil sa epekto ng kanilang paligid tulad na ngalang ng pangbubully. Sa pangbubully natatapakan ang pagkatao ng isang tao dahil sa mga paratang na hindi maganda sa kanila. Tulad na lang ng pambabansag ng mga pamimintas na palayaw, pangungutya sa pisikal na kaanyuan, sa mga pagkakamali at iba pa. Dahil dito bumababa tuloy ang kanilang kumpyansa sa sarili at nagsasanhi sa hindi na pagpasok sa eskwela. Marami ang naitatalang mga sitwasyon na ganyan dahil sa pang-bubully. Marahil hindi na maiiwasan ang pangbubully na nagiging aliwan ng mga estudyante sa eskwelahan ngunit hindi ito rason para ipasawalang tabi ang mga ganitong sitwasyon. Dahil ang eskwelahan ang pangalawang tahanan na gumagabay sa bata tungo sa tuwid na daan na paroroonan ng bata. 

Sa mga nabanggit iyon lamang ang sa maraming dahilan at sanhi kung bakit nakakaranas ng negatibong nararamdaman ng kabataan kung kaya lumalaganap ang mga ganyang sitwasyon na sinasawalang tabi na ngalang. Tandaan natin ang kapaligiran ay may malaking epekto sa buhay partikular sa kilos at pagiisip ng isang bata.  Kadalasan ang nangyayari sa kabataan ngayon ay ang pagtatangkang pagpapakamatay ng kanilang sarili. Dulot ng mga pangyayaring hindi nila lubusang tanggap tulad ng hindi magandang pangyayari na pilit bumabalik sa kanilang isipan na sanhi ng madilim na kahapon ng minsan na nilang napagdaanan. Paano na ang pag-asa ng bayan kung hindi natin sila kayang protektahan at respetuhin na patuloy na minamaltrato at inaabuso. Bakit hindi natin subukan labanan ang mga taong walang humpay na ipinararanas ang mga ganitong bagay sa kabataan. Ang mundo ay maganda iparanas natin ang kagandahan ng mundo sa kanila. Hahayaan nalang ba natin sila na mabuhay ng may takot at pangamba.

2 comments: