Ikaw na nga.




Pagsilay sa kagandahan
kasabay kislap ng mga mata.
Waring ika'y bulaklak
sa hardin aking paningin.
Sulyap sa iyong mukha 
tila'y nakakaginhawa.



Mga matang nakakaakit 
at labing kay sarap.
Wala ng babae ang tatalo
dahil ika'y nangingibabaw.
Mga salitang sambit
ikaw ang laging laman.



Isa kang diyosa sa akin
masilayan ka lamang sapat na.
Pasasalamat kung iyong mapansin
ang isang tulad kong sawi,
kagalakan ang makilala ka
hiling ko'y mapalapit sayo.



Tila'y nahulog na ako
sa mapang-akit na Eba.
Ako ang iyong Adan 
at ikaw ay akin lamang.
Ako'y sayo magpakaylaman
dahil taglay pag-ibig na wagas.



Ika'y aking pantasya
ikaw lagi ang hanap.
Sa pagsulat at pagbigkas
pangalan mo'y kasama.
Isang katulad kong sawi
tila'y nabihag mo nga.



katuparaan ng aking hiling
Bathala'y dininig.
Wala nang nanaisin pa
ang makasama ka lamang.
Kagalakan ang nadarama
ang pusong nagbubunyi.



Sinakluban ng kahapon
ngayo'y langit na kasiyahan.
Di mo alam gaano ang saya
makilala ka sa buhay ko.
Buhay kong sawi lahat
mayroon pa palang natira.



Aking giliw aking sinta
ikaw nawa ang pagtugon.
Matagal ko nang hanap hanap
natagpuan na nga kita.
Aking anyaya iyong tupdin
para sa aking pusong sawi.



Bahid ng masakit na kahapon
baon ng hinanakit kong tago.
Hikahos ng aking damdamin
kasabay pagtangis ng mga mata.
Saksi ang mga gabi
sa mga luhang ipinadadaan.



Sa pagtulog nagbabalik
multo ng hinanakit.
Napawi ang lahat
sa iyong pagdating.
Kalooban nabuhayan
sambit ko'y ikaw na nga. 
~Ellen

No comments:

Post a Comment