Puta



Nagdaan ang mga oras 
at ang gabi ay sumapit.
Hudyat para kay Juan
maghapunan at magpahinga.
Kadiliman sa lansangan 
nahawi ng nabuhay ang gabay ilaw.


Tilang wala na ata lalabas
at sila'y nagpahinga na.
Waring si Lunang buwan
ay nagmamatyag sa mundo.
Habang ang mga bituin 
tila'y patay sinding mga ilaw.


Kalauna'y lumabas sila
mga de- kolereteng mga mukha.
Mga manok kung maglakad
at kinulang na mga retasong damit.
Animo'y pakitang motibo 
sa gabi ang trabaho.


Mapapaisip ka nalang
tanong ay saan pupunta.
Sa paglakad may katagpuan 
at sa tabi nalang lumugar.
Paguusap ay natapos
at tila'y milagro nagaganap.


Sa pagtapos, si Eba
ay may pera sa palad.
Habang ang iba'y naghihintay
sa sulok na madilim.
Iba ay umuungol 
tila'y kinikiliti lang.


Magdamagay paulit- ulit
tila'y sanayan na lamang.
Mahimbing natutulog ang iba
samantala sila'y gising p.
Magugulat ka nalang 
waring pagod sa umaga.


Waring kinaugalian na 
buhat ng kahirapan.
Panandaliang sarap
kapalit na lang ng salapi.
Gagawin ang lahat 
pati dignidad madungisan.


Pera mula sa libog
papunta sa makating palad.
Panglabas na kaakit- akit
kadungisan ng pagkatao.
Saglit na kiliti lamang 
kapirasong kapalit ang sukli.


Tila lipuna'y nilamon
kakitiran ang gawain.
Masunod ang pagkalam ng tiyan
kapit naman sa patalim.
Lito sa tama at kamalian
kahirapan ang sanhi.


Ano nangyari Eba?
Nasaan ka ngayon?
Pinaglilingkuran ang makitid na Adan
nagpapatapak nalang basta.
Kaawa- awang mga nilalang 
mga puta na lamang.
~Macbeth

No comments:

Post a Comment