Bakit ganun?



Bakit ganun? Noong tayo'y nagsimula tila'y walang katapusan,
Animo'y sa tamis ng ating pagmamahalan tayo'y di mapaghiwalay.
Ano nangyari sa mga salitang iyong binitawan sa akin,
Nagpapakitang ika'y tuluyan ng nanlamig sa ating pag-iibigan.

Bakit ganun? Sa sandali na tayo'y magkasama bakas mga ngiti,
Ano na ang nangyari sa mga ngiti mong lagi kong nakikita.
Kahapon lang tayo'y masaya bakit ngayon lungkot ang nadarama,
Nasaan na ang dating ikaw na sa bawat araw ay laging nandyan.

Bakit ganun? May gustong lumabas sa'yong bibig na gustong kumawala,
Sa bawat pagkikita tila'y nauurungan ka ng dila sa pagsasalita.
Anong nais sabihin sa akin kung bakit ika'y nababalisa sa tuwina,
Di lubos maunawaan kung bakit at anong dahilan ng lahat ng ito.

Bakit ganun? Waring kalungkutan ang naiisip ko sa tuwina,
Isa ba itong senyales na ika'y bibitiw na sa ating pagiibigan?
Mapaglarong isipan nais ipabatid sa akin na tila pawala na ang lahat,
Pilit kong hinahanap ang dahilan ngunit walang maaninagan.

Bakit ganun? Sa sandaling tayo'y magkita luhay umagos sa'king mga mata,
Mga tenga'y nakarinig waring nagpantig sa mga salitang iyong binitawan.
Aking bibig tila'y di alam kung ano ang sasabihin sa iyong mga sinabi,
Tanging sakit ang aking nadarama sa sandaling ika'y lumisan.

Bakit ganun? Ginawa ko ang lahat ngunit ang mga ito'y di sapat,
Ano ba ang sanhi kung bakit ang mga ito'y iyong nagawa sa akin.
Ang  pagmamahal ko sayo'y walang labis kong ipinadama,
Di ko alam kung saan ako'y nagkulang saan ba...saan ba!

Bakit ganun? Ginawa ko na halos lahat ng aking makakaya,
Walang oras na ika'y laging iniisip sa tuwi- tuwina,
Minahal kita ng todo ng higit pa sa alam mo na kayang kong gawin,
Ngunit di ko alam na hindi pa pala sapat ang pagmamahal ko sa iyo.

Bakit ganun? Kung talikuran ako ay madali lang para sayo,
Mga araw na nagdaan mga alaala mo'y ginugunita.
Waring mga pangyayari'y di madaling kalimutan sa aking isipan,
Sa sakit ng iyong iniwan tila'y sugat habang buhay sa aking puso.

Bakit ganun? Di ko alam kung ano ang mali sa akin,
Nagmahal lang ako ng lubos sa taong minahal ko ng buong puso.
Wala akong hinangad na iba kundi pagmamahal lang mula sa sayo,
Sabihin mo sa akin saan ako nagkamali at itatama ko.

Bakit ganun? Ako na ang nagmamahal ng todo at ibinigay ang lahat,
Ako na ang alipin ngunit ako pa ang iniwan ng mahal ko.
Higit kitang minahal kaysa sa aking sarili kung alam mo lang,
Ngunit di pa pala sapat at nagawa mo pa akong saktan.

~Sawing_Palad



No comments:

Post a Comment