Pusong sawi.






Bakit ang bilis mong nawala?
Mula sa pagkakahagkan ay kumawala.
Bakit ikaw pa ang umalis?
Iniwan mo akong nag-iisa.
Bakit ganon nalang kadali?
kung iwan mo ako ganon nalang.


Bakit ang tanong sa isipan
binulabog hanggang balintataw.
Sa pag-aalala ikaw lagi
waring ikaw nalang hanap- hanap.
Puso'y dinurog paunti - unti
tanong ko nasaan ka na?


Wala ng saysay ang lahat
sapagkat ika'y wala na.
Gustuhing maibalik ang dati
ngunit parang huli na.
Parang sinaksak mo ako 
sa lalim parang d gagaling.


Kalimutan ka man lang 
tila di kayang gawin.
Saan man lumingon 
ala- ala mo pa rin.
Wala na ata ang lahat
kung ikaw ay bumitaw na.


Parang akong baliw 
hanap- hanap ang di makita.
Banggit ang mga salita
na ako lang ang nakakadama.
Baliwala na talaga
dahil wala ka na.


Pagkakamaling di sinasadya
tinugunan ng hindi maganda.
Mga araw na tayo'y magkasama
kapalit masakit na hiwalayan.
Kaya't sariwang mga sugat
na tila'y di maghihilom.


Paano na ako ngayon?
Sawing palad sa pag-ibig.
kaylan ko kaya matatagpuan?
Babaeng bukod tangi sa puso.
Aalayan ng lahat
manatili ka lamang.


Kahit matagal ay maghihintay 
sa pagdating magbubunyi.
Mga pagkukulang pupunan
lahat gagawin para sayo.
Kakayanin kahit ano pa man
makuntento ka lang sa akin.


Mula sa sulok ng isipan
hanggang kalgagitnaan ng kalooban.
Pagpapatuloy ang pag- gunita
Mga ala -ala'y nangyari.
Masasaya o malulungkot man
dahil lahat pahahalagahan.


Umaasa na ikaw ay magbabalik
mayayakap ka muli.
Mararamdaman muli ang presensya
ang babaeng pinakamamahal.
Ngunit tila'y hanggang panaginip
dahil alam ko nasa ibang piling ka na.
~Macbeth 

No comments:

Post a Comment