Bakit ganon? Sa buhay ng tao
may darating may aalis.
May magpapasaya may magpapalungkot
may yayakap may tutulak sayo.
May lalapit may lalayo sayo
ganito ba ang nakatakda sa buhay ng tao?
Bakit ganon? Sa dinami- dami ay ako pa
sa mga nabubuhay sa mundo ay ako pa.
Sa mga masasama at madamot ay ako pa
sa mga tampalasan at lapastangan ay ako pa.
Sa mga ganid at mapang-abuso ay ako pa
ako na nga ang nagmahal ako pa ang nawalan.
Bakit ganon? Ang mga pangako'y napapako
ang mga iniala'y nawawalan ng saysay.
ang mga nananatili ay lumilisan
ang mga hinahawakan ay kumakawala.
ang mga nasisimulan ay natatapos
at ang mga permanente ay nagiging pansamantala.
Bakit ganon? Sa nagdaang panahon
tayo'y nagkasama at nagmahalan.
Animo'y sa lapit at higpit di mapaghihiwalay
sa mga tinginan ramdam ang isa't isa.
Ang iyong mga halik aking lasap
at ang iyong presensya'y aking lagi pantasya.
Bakit ganon? Walang araw na di ka inisip
walang araw na di ka inalala.
Mga araw na di ka kasama
pangungulila at kasabikan kang mahagkan.
Mayakap at maramdaman ka
puso't isipa'y kapanatagan ang ramdam.
Bakit ganon? Aking kinakatakuta'y dumatal
tila sa bilis sibat na tumarak sa'king puso.
Naghalong balat sa tinalupan at lungkot ay nagisa
nabuhay ang apo'y sa sulo ng aking mga mata.
Kasabay nang nagaalimpuyong damdamin
at pagusbong ng kadiliman sa aking isipan.
Bakit ganon? Kasama ng pagbugso
ang mga tanong sa aking balintataw.
Hindi magtagpo ang mga dulo sa katapusan
mga pising putol- putol ay di ko mapagdutong.
Sa lapit at sa layo'y di ko maaninagan
sa aking isipan di ko makuha ang kasagutan.
Bakit ganon? Sa pagharap sa salamin
kamalian di ko makita.
Sa pagdilat ng mga mata ko
kaharap ang mga larawaan natin.
Sa pagbagtas ng mga mata sa kalayuan
hanap- hanap ang di makita.
Bakit ganon? Hinawi at nilabanan ko lahat
ngunit ito pala ang papaslang sa akin.
Kaya ko banggain ang mga pader
ngunit ito pala ang magpapahinto sa akin.
Kaya ko saluhin ang lahat
ngunit ito pala ang magbabaon sa akin sa lupa.
Bakit ganon? Tiniis ko ang lahat
ngunit ito ang di ko kayang tanggapin.
Kinain ko lahat ng kahihiyan
ngunit ito ang di ko kayang sikmurain.
nilabanan ko ang lahat
ngunit ito ang di ko kayang harapin.
Bakit ganon? Kahapon lang mahal mo ako
magkahawak ating kamay wasiwas sa hangin.
Kasabay nang ating pangarap
tayong dalawa'y magkasama'y mamumuhay.
Magkayakap sa tuwina tanda di mapaghihiwalay
ano mang unos ang dumating pagibig di matitibag.
Bakit ganon? Sa aking pag-gising
naglaho ang lahat ng biglaan.
Sa aking pagkakahagkan ika'y kumawala
hanap- hanap kita pangalan mo'y sambit.
Nasaan ka na oh aking mahal
bakit mo ako iniwang nagiisa.
Bakit ganon? Sa iyong paglisan
inakala ko ika'y magbabalik.
Sa iyong paglalakad ika'y
hindi na bumalik pa sa akin.
Paano na ang puso ko nagmamahal
kung ikaw na aking kabiyak ay wala na.
Bakit ganon? Mahimbing na natutulog
tahimik na siyang umaalis.
Kasaba'y ng panaginip ika'y naglalaho
sa aking pag-gising luha'y umagos.
Habang basa- basa ang liham na siyang
paulit -ulit ako'ng pinapatay.
Bakit ganon? Sa aking paghabol
ika'y hinanap natagpuan ka'ng masaya.
Iyong mga ngiti'y umaabot sa kalangitan
ibang- iba sa ating pagsasama.
Waring walang nangyari sa atin
sa iyong mukhay walang bakas ng kahapon.
Bakit ganon? Iba ka sa dating ikaw
malayo ka na sa mahal ko kahapon.
Kasabay ng pagdurog mo sa puso ko
ang kasiyahan mo'ng nadarama.
Marahil sa mga nakikita ng mga mata ko
masaya ka na sa kandungan ng iba.
~Macbeth