Sa pagkamit ng mga pangarap


Tayong mga tao na nabubuhay sa mundo ay mayroon tinatawag na pangarap. Isang bagay na nais nating makamit o maabot na ating pinagsusumikapan. Bawat tao ay may iba't ibang pagiisip kaya naman may kanya kanya tayong pangarap sa buhay. Mga pangarap na nagsisilbing isa sa ating inspirasyon kung bakit tayo ay determinado at nagsusumikap sa ating mga ginagawa. Ang pangarap ay hindi madaling makamit ngunit tiyak mo na maaabot ang pangarap kung ikaw mismo ay mayroong pagtatyaga at pagsisikap. Pagtatyaga at pagsisikap sa buhay ang isa sa mga sagot upang maabot ang pangarap. Idagdag mo pa ang determinasyon at tamang diskarte sa buhay sa pagkamit ng pangarap mo sa buhay.

Madalas tayong sabihan ng ating magulang na magaaral mabuti dahil tanging edukasyon lang ang kayamanan na maipapamana na hindi makukuha ng sino man. Ang edukasyon lang ang kayamanang  na maipapamana na hindi makukuha ng sino man. Ang edukasyon ay walang pinipiling edad at estado ng pamumuhay. Edukasyon rin ang pwedeng maging daan upang makamait mo ang inaasam mong mga pangarap. Maaring sa edukasyon ay mas maaaninagan mo ng husto ang daan tungo sa pangarap mo. Ang edukasyon rin ang huhubog sa isang tao para maging handa at preparado sa pagkamit ng kanyang mga pangarap. Ang edukasyon rin ang nagpapaigting sa kaalaman ng isang tao upang lubos na makita pa ang mga bagay na tatahakin ng tao sa pagkamit ng kanyang mga pangarap. 

Kaya habang may oras pa lubus- lubosin natin ang mga pagkakataon sa pagaaral. Tayo ay magaaral mabuti kung gusto natin na maabot ang ating mga minimithing mga pangarap. Isa pang bagay ang pwedeng maging susi o daan sa pagkamit ng mga pangarap ay ang tamang desisyon sa buhay. Bawat tao ay binigyan ng tamang pagiisip at karunungan. Ang karunungan ang ginagamit sa tamang pagdedesisyon sa buhay. Pagdedesisyon sa buhay ay makakapaghatid rin sa tao tungo sa minimithing mga pangarap. Sa bawat nangyayari sa buhay ng isang tao ay karamihan ay sanhi ng pagdedesisyon. Kaya hindi biro ang pagdedesisyon. huwag gawing biro ang mga bagay at sitwasyon dahil sa maling desisyon ay pwede maapektuhan ang iyong hinaharap. 

Sa pagdedesisyon marami dapat ang kinokonsidera. Maging mga bagay bagay na dapat mas binibigyan ng atensyon at importansya kay sa mga iba pang bagay. Mas dapat tinutuunan ng pansin ng mga tao ang mga bagay na masnakakabuti kaysa sa pang-sarili at panandaliang kasarapan. Dapat tayong mga tao ay alam natin ang tama sa mali. Lagi natin tandaan ang mga bagay na mas pinagtutuunan ng pansin. Maging ating mga kahinaan na dapat nating pinapalakas at pinapalago. Sa pagdedesisyon laging isa alang ala ang mga pwedeng kakahinatnan ng magiging desisyon mo. Tanging ikaw lang ang makakapaghatid sa iyong sarili tungo sa iyong mga pangaraop kaya malaki ang epekto ng iyong sariling desisyon sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Laging tandaan na sa bawat maling desisyon nasa huli ang pagsisisi.


10 comments: